Tuesday, March 8, 2011

jeepney joy ride

Matagal na akong sumasakay sa jeepney,bata pa lang ako at cubao pa lang ang usong pasyalan nuon, jeepney na byaheng antipolo-cubao ang sinasakyan namin kapag mamamasyal ng nanay at tatay ko. Sa jeepney rin ako sumakay simula nang mag-aral ako ng hiskul at magkolehiyo.

Kanina, habang papasok ako sa trabaho, hulaan nyo kung saan ako nakasakay??? syempre sa jeepney pa rin. At nakatulog ako habang nasa byahe, marahil dahil puyat kagabi... at kahit tulog sa jeepney habang naglalakbay, parang hindi lang ang pisikal na katawan ko ang naglalakbay habang nakasakay, pati diwa... habang nananaginip... nagbalik-tanaw ako sa aking nakaraan...

No comments:

Post a Comment